Pintado
A poem conceived with lurking lies and birthed in pain, redeemed by grace.
****
(Written on the year 2013)
****
(Written on the year 2013)
PINTADO
Ako ang
Iyong papel
Anong
susunod nating kuwento?
Ilang
kulay ng tinta na naman ang idadampi
dito?
Mahapdi
ang bawat halik ng ginintuan Mong pinsel
Minsan ay
hindi maiwasan ang pagdurugo nitong balat
sa
pag-ukit Mo
ng bagong
Pangalan
Sa
pagsulat
ng
maraming linya,
kulay at
salitang
hindi ko
maintindihan
Lubos Mong
kinagigiliwan
ang
pagtahak ng samu’t saring pangalan sa akin
Sadyang
hirap akong unawain
Hindi ko
malaman ang gagawin
Mahapdi
ang Iyong bawat pagguhit at pagkulay at pagsulat
Ngunit
matamis ang ngiti Mo habang ginagawa ito
Ako ang
Iyong papel
Tumatagos
ang tinta mula sa aking balat
hanggang
sa dugo patungo sa puso
Tinatalunton
Mo nga ba sa Iyong pinsel ang
kabuuan ng
aking pagkatao?
Tinatalunton
nga kaya ng samu’t saring kulay
ang
kalaliman ng aking katauhan?
Kinukulayan
Mo nga ba ang kalooban kong
hindi ko
nakikita?
Kaya nga
ba’t nadidismaya akong puro guhit
ng dugo
ang nakikita
mula dito?
Dahil
Sinadya
Mong sulatan ako—kulayan ako—
Sa mga
kadilimang hindi ko
nakikita,
Sa mga
lugar na walang ibang nakakikita
at
nakaaalam
Walang
ibang makaaalam
Nang Ikaw
lang ang tanungin ko?
Ilang
beses kong tinangkang kumaripas papalayo
Ngunit sa
tuwing gagawin ko,
inihehele
Mo ako
Masakit pa
rin ang hagod ng Iyong pinsel
Subalit
may kakaiba sa bulong Mo;
Napapayapa
ako
Hihintayin
ko ang sining Mong hindi ko pa makita
Ako ang
Iyong papel.
****
(picture not mine)
In ancient Philippines, the more the marks, the braver. It is the warriors who bear the most battle scars and battle marks. Likewise, God is making us into brave warriors, victors in His name.
God is working a masterpiece in you. He's not yet through. Trust His heart. You are His heartwork. Remember that, child. ❤

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento