Pintado
A poem conceived with lurking lies and birthed in pain, redeemed by grace. **** (Written on the year 2013) PINTADO ni Ruth N. Ibarrientos [audio] Ako ang Iyong papel Anong susunod nating kuwento? Ilang kulay ng tinta na naman ang idadampi dito? Mahapdi ang bawat halik ng ginintuan Mong pinsel Minsan ay hindi maiwasan ang pagdurugo nitong balat sa pag-ukit Mo ng bagong Pangalan Sa pagsulat ng maraming linya, kulay at salitang hindi ko maintindihan Lubos Mong kinagigiliwan ang pagtahak ng samu’t saring pangalan sa akin Sadyang hirap akong unawain Hindi ko malaman ang gagawin Mahapdi ang Iyong bawat pagguhit at pagkulay at pagsulat Ngunit matamis ang ngiti Mo habang ginagawa ito Ako ang Iyong papel Tumatagos ang tinta mula sa aking balat hanggang sa dugo patungo sa puso Tinatalunton Mo nga ba sa Iyong pinsel ang kabuuan ng aking pagkatao? Tinatalunton nga kaya ng samu’t saring kulay ang kalaliman ng aking katauhan? Kinu...